Taytay Tiange updated 2018



Kung mahilig kayo sa updated fashion na damit at maramihan kayo bumili. Dapat dito kayo pumunta. 
Yung tinitinda sa Divisoria na damit dito din galing. Mostly ng mga tindera dito sila din ang nag tatahi . Galing di ba. 

So paano ba pumunta? It depends kung saan kayo mang gagaling.

From Cubao - sakay ka sa terminal ng jeep na may signage na "Angono Highway" tapos baba kayo sa bago palengke taytay. From there lakad na lang papasok. Pwede na din kayo magtanong at ituturo sa inyo.

From Makati: yung mga uv express na Van na pa Ayala yun ang sakyan mo. Sakyan mo yung may signage na Tikling tapos baba kayo sa mismo tikling. Dulo yun. Kaya di ka maliligaw tapos sakay ule ng jeep na may signage "palengke" . Pababa ka sa driver pero ang pinaka landmark nya is jollibee taytay . Lakad na lang ule papasok sa palengke. 

Mas maganda mamili ng gabi bukod sa hinde mainit ay mas marami ang bukas na stall. 

Eto yung mga ilan na mabibili mo 

Origami skirt short- 100 pesos


Garterized short 40pesos 30 pesos sa pang bata




Dress pang bata small -50 medium -60 large-70
Maganda tela at design . Mukang shala tingnan





Dress pang office oh 100 lang




May terno din pang mom and daughter sobrang dami.
Offshoulder dress terno is 200pesos



Yung iba tindera may picture pag worn pa naka post para visualize mo talaga yung ootd mo. 


Marami din food stall so hinde ka magugutom. 

May nakikita din ako nag titinda ng chocolates. 

Tips:
1. Kung pupunta ng umaga, magdala ng payong at facetowel para sa pawis
2. Mag leggings ka para masukat mo yung mga short. Wala kaseng actual na fitting room..
3.Mag sama ng kaibigan yung apat kayo para hati hati na sa Uber pabalik kase pagod ka na kakalakad haha
4. Mag dala ng eco bag yung malaki. Wag mo na plastic yung binili mo derecho eco bag na. Bawal ang plastic sa makati tandaan.
5. Wag mag panic buying. Isipin mo kakaen ka pa bukas at pwedeng pwede ka pa naman bumalik. Haha
6. Meron Plus-sizes 
8. Club Manila East Landmark  you can type on your Waze or Grab. Transportation is 24 hours. Dont worry.
9. Open in  holidays except Good Friday.
10. At higit sa lahat pwede pa rin naman tumawad :) 

Kung may balak ka naman mag tayo ng negosyo maganda kausapin mo na at hingen ang number ng tindera para may komunikasyon na kayo. Pwede mo rin picturan basta mag paalam ka lang lagi. Mas makakamura talaga pag wholesale ang kukunin mo. 

Maari din sumali ka sa mga group ng bagpi taytay members dun ka makakuha ng supplier sa facebook.


Enjoy! 
_________________________________________________________________________________

Update 2018 Schedule


Freedom Tiange – Monday to Sunday 8:00AM – 5:00PM
Bagpi – Monday 9PM to Tuesday 10AM / Thursday 9PM to Friday 10AM
Taytay Municipal Tiange – Monday 2PM to Tuesday 10AM / Thursday 2PM to Friday 10AM
Parkway Tiange – Tuesday to Sunday 8AM-5PM
My Seoul – Thursday to Tuesday 5AM-5PM
Igpai – Monday to Thursday 8PM-12MN




Comments

Popular posts from this blog

Applying for PHILIPPINE INTERNATIONAL DRIVING PERMIT 2018

Bangkok Trip 2017